Buratchibells ni Madame

Happy World Poetry Day! Before the day ends, I’d like to share with you a piece I wrote for Metro Manila Pride x Words Anonymous HUBAD: Katawan, last year. I think I’ve only ever performed this thrice, so wala syang video. HAHAHAHAHAHAHAHA. Sana maperform ko na sya ulit.

Sort of sensitive content, pasintabi na lang sa mga hindi mahilig sa tite or sa genitals in general.

cw/tw: body dsymorphia, homophobia, misogyny

13221276_10201894290675638_8564334396771728931_o.jpg
Photo by Nariese Giangan

Gusto ko ng tite.
Oo, tama ang narinig mo. Hindi ka nabibingi.
Gusto ko ng tite, ng burat, ng nota, ng sandata,
ng pututoy, ng talong, ng alaga, ng tarugo, ng buto, ng kargada.
Huy! Huwag kang bastos.
Hindi ganyan ang iniisip ko, pero pwede rin.
Sa susunod na natin pag-usapan yan.

Bata pa lang ako gusto ko na talaga ng tite.
Yung malaki
Yung mahaba
Yung dakota at hindi duty-free.
Yung kaya kong paikot-ikutin parang helicopter. Para pwede akong mag wang wang into the room.
Masaya siguro yun.

Tatawagin ko siyang Melody. Kapangalan ng aking pinakamamahal na laruan.
Pero hindi ko siya paglalaruan, kundi pagkakaingatan.
Di tulad ng mga batuta ng mga kalaro kong itinuturo nalang yung sa kanila kung saan saan.
Tutal mukhang bagay naman daw sa akin ito.

Matagal tagal ko ng hinahanap ang tite.
Mula pa lang nung sinabi nila sa akin na dapat lalaki ako kasi panganay ako.
Nung nakita nila sa ultrasound na may pututoy akong nakasilip sa gitna ng mga hita ko.
Nung paulit-ulit nilang sinabi sa akin na sana lalaki nalang daw ako.

Pero ang meron ako ay ang aking alagang si Marigold.
Mahilig siyang kumanta kapag siya’y masaya, lalo na kapag natatapat sa mikropono.
Pero madalas mahiyain siya, kailangang haplusin nang mabuti para magbuka.
Hahaplusin ka rin nya, para pareho kayong masaya.

Masaya ako kay Marigold, pero gusto ko pa ring magkaroon ng Melody.
Yung malaki
Yung mahaba
Yung dakota at hindi duty-free.
Yung totoo, hindi gawa sa plastic.
Yung kaya kong patayuin na parang mga tinyente kapag dumarating si kumander.
Yung kaya kong paikot-ikutin parang helicopter. Para pwede akong mag wang wang into the room.
Masaya siguro yun.

Gusto ko nito, di dahil pakiramdam ko na ako’y kulang.
Gusto ko lang talaga sila pareho. Matagal tagal ko ng pinapangarap ito.
Sige na, sabihin mo na. Ako na ang gahaman.
Pero ang lahat ng ito ay hanggang pangarap lamang.

2 thoughts on “Buratchibells ni Madame

Leave a comment