Asintado

Note: This piece is inspired by / a reply to SUD’s ‘Show Me’ and will appear on their album ‘Skin’ to be released on January 29, 2016. Watch out for more details on their album launch on SUD or Words Anonymous Facebook Pages. 

 

Magkapareho tayo.
Parehong maraming beses nang nasaktan.
Paulit-ulit.
Sa iba’t ibang paraan.
Ng iba’t ibang tao.

Matagal ko nang itinago’t kinandado ang aking puso.
Kinolekta’t binalot noong maiwang tipak-tipak.
Pinilit gawing buo.
Kinulong. Itinapon ang susi.
Pilit inilayo sa gulo.
Natuto na ako.
Natuto na ako.
Natuto na ako.

Tinuruan ang sariling wag magpatalo.
Nagtayo ng pader na di makakapasok kahit sino.
Binuo ng bawat sakit, pamamaalam, at pagkadismaya na dinulot ng iba.
May mga pilit tumibag pero mas lalong pinapatibay.

Pero ikaw, hindi ka natitinag.
Bumabangon ka pa rin at nagpapatuloy.
Nagtitiwala. Umiibig.
Paulit-ulit.
Sa iba’t ibang paraan.
Ng iba’t ibang tao.

Matagal na kitang pinagmamasdan.
Sinisilip mula sa loob ng aking kulungan.
Nakakamangha.
Tila may salamangkang pumapalibot sa iyo,
Kakaibang sigla na nag-uumapaw mula sa iyong puso.
Ramdam ko.
Parang kidlat na paulit-ulit tinitirador ang puso kong matagal nang sarado.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko tuwing nariyan ka,
Pinaghalong takot, saya, at kaba.
Minsan, pakiramdam ko’y nababaliw na ako.
Unti-unting nababaliw sayo.

Ang iyong bawat ngiti, iniilawan ang daan papunta sa aking kulungan.
Bawat tapik, mga haplos, sinusubukang hanapin at sungkitin ang nakakubli kong puso.
Ang iyong bawat bulong, dinadala ako pabalik sa mga susing minsan nang itinapon.
Ang iyong mga kwento, isa-isang kinakalas ang aking mga kandado.

Sinta, alam kong malayo pa bago tuluyang mabaklas
ang mga kadenang nakapulupot sa aking puso.
Pero handa na akong ibigay ito,
Nang paulit-ulit,
Sa iba’t Ibang paraan,
Sa iisang tao.
Sa iyo.

Advertisements

One thought on “Asintado

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s